2013
Nagdiwang ng Ika-135 Taon ang Primary
Disyembre 2013


Nagdiwang ng Ika-135 Taon ang Primary

Sa Farmington, Utah, USA, 135 taon na ang nakararaan, nag-alala si Bishop John W. Hess sa asal ng mga bata sa kanyang ward. Pinulong niya ang mga ina sa ward at nagsalita siya tungkol sa kahalagahan ng paggabay sa isipan ng mga bata.

Nakinig si Aurelia Spencer Rogers, pagkatapos ay tinalakay ito kay Eliza R. Snow, na bumisita sa Farmington noong tagsibol ng 1878. Kinausap naman ni Sister Snow ang Pangulo ng Simbahan na si John Taylor, na binigyang-karapatan si Bishop Hess na magbuo ng isang organisasyon para sa mga bata sa kanyang ward. Ang Farmington Ward Primary Association ay pormal na inorganisa noong Agosto 11, 1878, at si Sister Rogers ang pangulo.

Ngayon, mga isang milyong bata sa lahat ng dako ng mundo ang nakikinabang sa Primary linggu-linggo. Nagsisikap ang mga lider at guro ng Primary na suportahan ang mga magulang sa kanilang tungkuling tulungan ang mga bata na magkaroon ng patotoo sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa ipinanumbalik na ebanghelyo.