2013
Maibabahagi Ko Ba ang Aklat ni Mormon?
Disyembre 2013


Kabataan, mga

Maibabahagi Ko Ba ang Aklat ni Mormon?

Ang awtor ay naninirahan sa Washington, USA.

Sa unang taon ko sa hayskul, inanyayahan ng seminary teacher ko ang klase namin na mamigay ng mga kopya ng Aklat ni Mormon sa mga kaibigan naming hindi miyembro. Kahit napakamahiyain ko, tinanggap ko ang paanyaya.

Kinailangan ko ng ilang araw para magkaroon ng lakas ng loob, ngunit sa huli ay binigyan ko ng aklat ang kaibigan kong si Britny sa oras ng pananghalian at nagbahagi ako ng maikling patotoo. Pinasalamatan ako ni Britny para sa aklat.

Nang tapos na ang pasukan sa taong iyon, lumipat ng bahay si Britny, pero patuloy kaming nag-ugnayan. Ikinuwento niya sa akin ang bago niyang paaralan at kung paanong halos lahat ng kaibigan niya ay miyembro ng Simbahan, pero wala siyang binanggit sa akin na anumang espirituwal kahit kailan.

Nagbago iyan bago ako umalis para magmisyon. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Britny na nagsasabing may magandang balita siya sa akin: bibinyagan na siya, at gusto niya akong pasalamatan na naging kaibigan niya ako at nagpakita ako ng mabuting halimbawa.

Pinili ng Diyos ang isang mahiyaing 15-taong-gulang na bata na walang karanasan sa pagiging missionary at inutusan siyang ibahagi ang ebanghelyo sa isang tao na alam Niyang tatanggapin ito. Alam ko na sa pakikinig sa Espiritu, lahat tayo ay makakakita ng mga tao sa paligid natin na naghihintay na makaalam tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Alam ko na kung tutulong tayong magdala ng kahit isang tao sa Panginoon, “anong laki ng [ating] kagalakang kasama niya sa kaharian ng [ating] Ama!” (D at T 18:15).