2013
Ibahagi ang Inyong Patotoo
Disyembre 2013


mga bata

Ibahagi ang Inyong Patotoo

Maibabahagi mo ang kaloob ng ebanghelyo sa Paskong ito sa pagbibigay sa isang kaibigan o kapitbahay ng kopya ng Aklat ni Mormon na may nakasulat na patotoo mo sa loob. Sundin ang mga hakbang na ito para maihanda ito:

  1. Sa isang papel, sumukat ng parihaba na mga 4½ x 6½ pulgada (11½ x 16½ sentimetro) at magpatulong sa isang adult sa paggupit nito.

  2. Magdagdag ng isang larawan mo—drowing man o retrato—sa itaas ng pahina.

  3. Isulat ang patotoo mo sa ilalim ng larawan mo.

  4. Magpatulong sa isang adult na ikabit ang papel sa loob ng pabalat ng Aklat ni Mormon.