2013
Ang Kuya Kong Missionary
Disyembre 2013


Ang Kuya Kong Missionary

“Sana’y aking maibahagi ang ebanghelyo sa iba” (“Sana Ako’y Makapagmisyon,” Aklat ng mga Awit Pambata, 91).

Ang aming pamilya—ang mga magulang ko, ang kuya ko, at ako—ay matagal na naghanda para makapagmisyon ang kuya ko. Tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa pagmimisyon niya, binibiro ko siya, sinasabi kong hindi ko siya hahanap-hanapin at matutuwa akong mapag-isa.

Sa wakas ay dumating ang araw na ipinadala niya ang kanyang mga papeles sa misyon. Nagsikap siyang mag-aral na mabuti, at kaming lahat ay nagsikap nang husto na makaipon para sa kanyang misyon.

Isang araw ay tinawag kami ng stake president at sinabing dumating na ang mission call niya. Nagpasiya ang kuya ko na buksan sa bahay ang sulat pagkatapos ng hapunan. Tinawag siyang maglingkod sa Mexico City East Mission.

Hindi nagtagal pagkatapos niyon inihatid namin siya sa airport at nagpaalam na kami. Sa daan pauwi hindi mapigil ng nanay ko ang kanyang pagluha, pero hindi ako umiyak. Ngunit makalipas lamang ang dalawang oras, noong naroon na ako sa kuwarto namin ng kuya ko, bigla kong natanto na matagal ko siyang hindi makikita. At ako naman ang hindi makapigil sa pagluha, kaya’t umiyak na lang ako nang umiyak. Niyakap at inalo ako ng mga magulang ko, at naramdaman naming lahat ang magkahalong malaking kagalakan at malaking kalungkutan.

Mula nang araw na iyon, nagdarasal ako sa Ama sa Langit at hinihiling sa Kanya na pangalagaan ang kuya ko sa paglilingkod niya.

Itinuro sa akin ng kuya ko na kailangan ko ring maghanda para sa misyon. Dapat akong maging karapat-dapat na tumanggap ng priesthood, dumalo sa seminary, at makamit ko ang mga mithiin sa Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos. Tinuruan niya akong magtrabaho at mag-ipon ng pera, magbasa ng mga banal na kasulatan, at sumunod sa mga lider ko.

Gusto ko ring magmisyon para matamo ng ibang tao ang mga pagpapala ng ebanghelyo at malaman na ito ay totoo.