2013
Ang Ating Pahina
Disyembre 2013


Ang Ating Pahina

Gustung-gusto kong basahin ang mga pahinang pambata tungkol sa buhay ng mga propeta at ni Jesucristo. Napapalakas ang aking patotoo kapag binabasa ko ang mga patotoo ng iba. Ang Liahona ay tumutulong sa akin na piliin ang tama at sundin ang mga pamantayan ng Simbahan. Tinutulungan din ako nito na mas mapalapit sa Ama sa Langit.

Camilla K., edad 11, West Malaysia

Ailin C., edad 8, Guatemala

Isang araw pumunta ang Primary namin sa São Paulo Brazil Temple. Ang mga hardin doon ay mas maganda kaysa lahat ng nakita ko na. Nalaman namin na sa pamamagitan ng mga tipan na ginagawa natin sa templo, maaari nating makapiling ang ating pamilya magpasawalang-hanggan. Nagsalita sa amin ang pangulo ng templo sa waiting room, kung saan nakakita kami ng magagandang painting. Napakaganda at napakasaya ng pakiramdam ko, at sinabi sa akin ng nanay ko na Espiritu Santo iyon na nagpapatotoo sa akin na ang natutuhan ko ay totoo. Nagkaroon ako ng patotoo na ang templo ay bahay ng Panginoon.

Renato B., edad 8, Brazil

Si Renato at ang kanyang pamilya sa kanyang binyag

Si Mauricio H., edad 7, mula sa Mexico, ay may hangaring magpabinyag at maging masunurin para makapasok siya sa templo balang-araw. Sinisikap niyang maging mabuting halimbawa sa kanyang nakababatang kapatid na si Daniel.

Si Daniel, edad 3, mula sa Hong Kong, ang bunso sa kanilang pamilya. Napakabait niya at maganda siyang ngumiti, at gustung-gusto niyang maglingkod sa iba. Lagi siyang nagboboluntaryong magdasal sa simbahan at sa bahay, at gusto niyang tumayo sa tabi ng kanyang ama at bumati sa mga miyembro ng ward bago mag-sacrament meeting. Gusto rin niyang magligpit ng mga himnaryo at maglinis ng chapel pagkatapos ng simba. Isang araw nagpakita siya ng mabuting halimbawa sa kanyang ina nang anyayahan niyang magsimba ang isang batang lalaking nakilala niya sa daan papunta sa simbahan.

Gustung-gusto ng mga bata ng Cayenne Branch, French Guiana, na magtanghal ang kanilang Primary sa sacrament meeting. Masaya nilang binasa ang kanilang bahagi at mahusay silang kumanta. Gustung-gusto nila ang Primary. Isa sa kanilang paboritong mga awitin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Mga Himno, blg. 189).

Tima B., edad 6, Ukraine