2013
Ito ang Lugar!
Disyembre 2013


Sa Daan

Ito ang Lugar!

Samahan ninyo kaming maglibot sa isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng Simbahan!

Sina Elise at Kyle H., edad 9 at 6, ay namamasyal sa maniyebeng kalsada ng replika ng isang pioneer village sa Salt Lake City, Utah. Parang nagbalik sila sa panahon noong kalagitnaan ng 1800s. Noon iyong nanirahan ang mga pioneer sa Salt Lake Valley. Samahan sina Elise at Kyle sa paglilibot sa This Is the Place Heritage Park para malaman kung ano ang pakiramdam ng maging batang pioneer.

Nagpadala ang barbero ng bayan ng buhok na ginupit at inahit sa gumagawa ng mga laruan para gawing buhok ng mga manyika.

Isang pamilyang may 12 miyembro ang tumira sa munting bahay na ito ng pioneer. Kinailangang lumabas ng mga bata at umakyat sa hagdan para makarating sa tulugan.

Pagkatapos ng kanilang mga gawain, nilaro ng mga batang pioneer ang kanilang mga laruan. Paborito ni Kyle ang oso na hinihila sa dalawang lubid. Nakatulong ito sa mga batang pioneer na matutong maggatas ng baka!

Natapos ng mga unang pioneer ang kanilang paglalakbay pakanluran noong 1847. Nang unang makita ni Brigham Young ang Salt Lake Valley, sinabi niya, “Ito ang tamang lugar.” Ang monumentong ito, na dinisenyo ng apong lalaki ni Brigham Young, ay nagpaparangal sa matatapang na pioneer na iyon.

Ang sarap! Mahilig din sa kendi ang mga batang pioneer!

Madalas mag-eskuwela ang mga batang pioneer sa isang gusaling iisa ang silid. Sama-sama ang mga batang iba’t iba ang edad sa iisang silid—kahit magkakaiba ang pinag-aaralan nila.