2013
Nakatayo sa mga Banal na Lugar
Disyembre 2013


Nakatayo sa mga Banal na Lugar

Ngayong taon inanyayahan ng mga magasin ng Simbahan ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo na magpadala ng mga larawang nagpapakita kung paano sila tumatayo sa mga banal na lugar. Tingnan ang ilan sa mga larawang ipinadala at tingnan kung ano ang ginawa ng mga kabataan para maipamuhay ang 2013 tema ng Mutwal.

Larawan
Youth from various countries.

1 Tuwing nakikilahok ako sa makabuluhang mga aktibidad, lalo na kapag kasama ko ang aking pamilya, nakatayo ako sa mga banal na lugar.

LaRae R., edad 16, British Columbia, Canada

2 Nakatayo ako sa mga banal na lugar kapag pinahahalagahan ko ang mga bagay na walang hanggan ang kahalagahan kaysa mga bagay ng mundo.

Kirck M., edad 18, Negros Occidental, Philippines

3 Para sa akin, ang ibig sabihin ng nakatayo sa banal na lugar ay naglilingkod. Ang paboritong paraan ko ng paglilingkod ay sa templo. Lubos kong nadarama ang espiritu kapag ginagawa ko ang gawain ng Panginoon sa bahay ng Panginoon.

Kiana B., edad 15, Utah, USA

Larawan
Youth from various countries.

4 Nakatayo ako sa tabi ng bautismuhan kung saan ako nabinyagan. Itinuturing kong banal na lugar ang bautismuhan na ito dahil dito nakikipagtipan sa Diyos at nagbabago ang mga tao.

Joe-Smith E., edad 17, Akwa Ibom, Nigeria

5 Tuwing aakyat ako sa kabundukan at malayo ako sa mundo, natatanto ko na maaaring maging banal at tahimik na lugar ang mga ito.

Emma P., edad 17, Oregon, USA

6 Mahilig akong mamasyal, at tuwing nasa isang lugar ako na katulad nito (Delicate Arch sa Moab, Utah), mas nakakaugnay ako sa aking Ama sa Langit. Ang makita ang kamangha-manghang mga bagay na nilikha ng Ama sa Langit para sa atin ay nakakatulong sa akin na madama ang Espiritu.

John T., edad 18, Utah USA

7 Ang bahay namin ay isang banal at sagradong lugar dahil napakasaya ko at panatag ako roon. At kapag nagbabasa ako ng Aklat ni Mormon, nadarama ko ang matinding kapayapaan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Melisa D., edad 13, Kosovo

Larawan
Young women from various countries.

8 Ito ay isang retratong kinunan nang magdaos kami ng New Beginnings. Para sa akin, ang gusali ng simbahan ay isang banal na lugar kung saan ko natututuhan ang mga pinahahalagahan ng Young Women at ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Sa simbahan, pinapatibay ko rin ang pagkakaibigan namin ng mga kabataang babae na kapareho ko ang relihiyon.

Luize S., edad 12, Rio Grande do Sul, Brazil

9 Nakatayo ako sa banal na lugar kapag tumutulong ako sa mga tao at nagkakasayahan kami ng mga kaibigan ko.

James R., edad 17, North Carolina, USA

10 Nakatayo ako sa banal na lugar kapag kasama ko ang mga kaibigan ko na ipinamumuhay ang ebanghelyo. Tinutulungan nila akong manatiling malapit sa ating Ama sa Langit at mas nakaayon sa patnubay ng Espiritu Santo.

Jonathan N., edad 17, Buenos Aires, Argentina

Larawan
Youth from various countries.

11 Nakatayo ako sa mga banal na lugar kapag tumutugtog ako ng piyano sa sacrament meeting. Ang mga himig at mga titik ng mga himno ay nagpapalakas sa aking pananampalataya at patotoo.

Chelsea A., edad 13, Banten, Indonesia

12 Nakatayo ako sa mga banal na lugar kapag kumukumpas ako sa mga himno sa sacrament meeting dahil naaantig ako sa magandang pag-awit ng kongregasyon.

Geovani W., edad 15, Banten, Indonesia

13 Nakatayo ako sa mga banal na lugar kapag nagtuturo ako sa korum ko tuwing Linggo. Gustung-gusto kong ibahagi ang ebanghelyo.

Ramón M., edad 16, California, USA